Philippine Standard Time:
Wednesday, August 20, 2025 | 5:59 AM

Follow Us:

Narito ang IKATLONG NANALO sa ating SHARE YOUR KAIBIGAN STORY!

Congratulations!
Mrs. Annah Liza Galano
-Wife of SSGT JOSEPH GALANO (RET)

Narito ang kanyang kwento:
Diamond Finance: Aming Sandigan sa Bawat Unos ng Buhay
Taong 2013 nang magretiro ang aking asawa. Sa kanyang retirement pay, bumili kami ng dalawang pampasadang sasakyan at sinubukang mag-alaga ng baboy para sa dagdag na kita. Ngunit sa kalagitnaan ng aming pagsisimula, kinapos kami ng puhunan.
Sa panahong iyon, ang Diamond Finance ang unang nagtiwala sa amin. Tunay na ang tiwala nila ay nagsilbing ilaw sa aming pagsisimula.
Pagsapit ng 2016, nagsimula nang tumanggap ng pension ang aking asawa. Kasabay nito ang simula ng pagbabayad sa aming loan. Halos wala nang natitira sa kanyang pension, ngunit muli, naroon ang Diamond Finance na handang umalalay. Pinahiram nila kami ng dagdag puhunan upang makapagtayo kami ng isang maliit na tindahan.
Taong 2020, sa kabila ng mga hamon ng pandemya, nakapagpatayo kami ng sarili naming bahay, at sa likod ng tagumpay na iyon ay muli ang tulong ng Diamond Finance. Nasagad man ang pension ng aking asawa, hindi kami iniwan.
Lalong lumalim ang aming pag-aalala nang ang aming bunso ay magsisimula nang magkolehiyo, habang ang panganay ay papagraduate na. Ngunit sa panibagong pagsubok na iyon, muli kaming binigyan ng pag-asa, ang aming bunso ay naging scholar ng Diamond Finance. Mula 2021 hanggang ngayon, sila ang katuwang namin sa kanyang pag-aaral.
Sa bawat yugto ng aming buhay, sa pagtatayo, pagbagsak, pagbangon, at pag-abot ng pangarap, ang Diamond Finance ay tunay na naging matatag naming sandigan.
Maraming salamat, Diamond Cubao, Diamond Finance Corporation. ISA KANG TUNAY NA KAIBIGAN! Kayo ay hindi lamang institusyon, kundi isang kaagapay sa tunay na buhay.

Patuloy lang ang pagsumite ng inyong mga istorya, at baka kayo na ang susunod na manalo ng Php 5,000!

Narito ang mga link ng aming Official Social Media Accounts:
a. FACEBOOK PAGE: https://www.facebook.com/diamondfinancecorporation/
b. FACEBOOK ACCOUNT: https://www.facebook.com/diamondfinancecorp/
c. INSTAGRAM: https://www.instagram.com/diamondfinance76/

#Matatag
#Maaasahan
#Kaibigan

 

Related Special Articles

Announcement