Philippine Standard Time:
Monday, September 7, 2026 | 3:46 PM

Follow Us:

PAAALALA para sa mga Kaibigan.

Kumakalat na ngayon ang mga mapagsamantala at nagnanais gumawa ng hindi maganda sa kapwa. Upang makaiwas sa mga kagaya nila narito ang DFC way para ANTI-SCAM ang mga Kaibigang nais magloan sa Diamond Finance.

D – Direct to our Official Pages
Para makasiguro na legit ang mga offers na pinipresenta sa inyo, magdouble-check at magtungo sa aming official Facebook Account at Page, pati na rin sa aming Website kung saan inyong makikita ang kasalukuyang promo at program na meron ang Diamond Finance.

F – Free of Fees
Hindi kailanman naniningil ang Diamond Finance ng extra fees para lamang kayo ay makapag-avail ng loan. Processing Fees, Approval Fees and Membership Fee, at kung ano pang mga karagdagang bayad, lahat yan ay di pinapahintulutan ng Diamond Finance. Kung mayroon mang naningil sa inyo para kayo ay makapagloan, ipagbigay alam ito sa amin para aming maaksyunan.

C – Correct Channels

Kung kayo man ay hindi personal na makapunta sa aming opisina, siguraduhing ang inyong ka-transakyon ay lehitimong taga Diamond Finance. Ang aming Facebook Page ay laging bukas para sa mga katanungan at loan verification. May mga Authorized Loan Consultants din kaming nagsasagawa ng house-to-house caravan at sila ay may mga Identification Cards.

Maging maingat lagi mga Kaibigan!

Bago magloan laging tandaan ang DFC WAY para iwas scam.

Related Special Articles

Showing Slide 1 of 4