Kaibigan Reminder!
Sa ilalim ng RA No. 11934 o ang Sim Registration Act, ang lahat ng sim cards na ginagamit para sa mga mobile phones, prepaid Wi-Fi Kits o ano pang mga devices ay dapat i-rehistro bago gamitin ang mga ito para sa mobile internet, pang-tawag at pang-text.
Layunin ng batas na ito ay mabigyan ng siguridad ang mga gumagamit ng sim cards at kanilang mga importanteng impormasyon laban sa scams at mga pangloloko, online.
Ang Sim Registration ay hanggang April 26, 2023 na lamang. Kaya naman, makiisa sa layuning ito mga Kaibigan at i-rehistro na ang inyong mga sim card!