Philippine Standard Time:
Sunday, May 19, 2024 | 4:30 PM

Follow Us:

KAIBIGAN REMINDER!

Para sa mga Kaibigan natin sa AFP na may kaarawan ng, MAY, JUNE, at JULY huwag makalimot sa pag-update ng inyong pension status! Ito ay para maiwasan ang pagka-delete ng inyong pension. Maaaring kayong mag-tungo sa AFPPGMC Main Office o sa pinakamalapit na AFPPGMC Regional Satellite Units at dalhin ang mga sumusunod na papeles:

A. PARA SA PERSONAL APPEARANCE:
– Retired AFP ID / AFP Legal Beneficiary ID
– PSA CRS #4 (CENOMAR – Certificate of No Marriage Record) na may OFFICIAL RECEIPT para sa mga sumusunod:
a. Mga anak na may edad 18-20 years old
b. Mga kapatid ng mga deceased military personnel
– PSA CRS #5 (Advisory on Marriages) na may OFFICIAL RECEIPT para sa mga byuda/byudo
– Contact Number at Email Address

B. PARA SA NON-APPEARANCE:
Bukod sa mga requirements na nabanggit sa taas, ang sumusunod ay karagdagang requirements:

– Postcard-sized whole-body picture (may hawak na LATEST NEWSPAPER (BROADSHEET) kita o nababasa ang headlines)
– Original Front page ng BROADSHEET na ginamit sa Proof of Life
– Special Power of Attorney (SPA) kung ipapadala sa pamamagitan ng kamag-anak o kakilala

Karagdagang paalala para maiwasan ang pagka-hold ang buwanang pension:

A. Para sa mga pensioner na may edad 70 years pababa, dapat ay mag-update ng 2-3 months bago ang kanilang araw ng kapanganakan.
B. Para sa mga pensioner na may edad higit sa 70 years old, ay dapat mag-update tuwing ika-6 na buwan.

Para mga karagdagang impormasyon o mga katanungan, maaari kayong mag-message dito sa Official Facebook Page ng Diamond Finance. Maaari rin kayong mag-text o tumawag sa 0917-7256311 / 8725-6311.

Related Special Articles